Tuesday, February 23, 2010

Buhay may asawa

Marami nagtatanong sa akin kung masarap ba ang buhay may asawa. Sabi ko masarap at mahirap. Masarap kasi alam mo na may nag ca-care sayo. Mahirap kasi kailangan mong magsumikap para sa family mo. Actually, maswerte ako sa napangasawa ko, kasi masipag siya, at isa pa pareho kami nagta-trabaho. Kahit papaano di kami hikahos kagaya ng iba. Maganda din kasi ang setup namin magasawa. Dahil nga pareho kami ng work kanya kanya din kami ng hatian sa gastos. Sa kanya ng bayad sa kuryente, tubig, cable, yaya, tsaka food pang araw-araw. Tapos ako naman ang tagabili ng dyaryo atsaka battery ng remote pag lowbat na. Sa pag-alaga ng baby hati din kami, siya yung nag-papaligo, nag titimpla ng gatas, nagpapatulog, ako naman ang nakikipaglaro. Kaya nagpapasalamat ako at napakaswerte ko sa asawa ko. kaya sa love ko "Happy Anniversary". I love you!

8 comments:

Anonymous said...

Kawawa naman asawa mo. Dapat binibigay mo ang sweldo mo sa kanya.

Anonymous said...

Swerto mo naman sa asawa mo, ang bait nya.

Anonymous said...

Swerto mo naman sa asawa mo, ang bait nya.

Ponard said...

bawal mag comment ang asawa

Anonymous said...

hindi mo ako asawa

Ponard said...

neknek mo

Anonymous said...

Pare bagsak ka siguro sa math nung nag-aaral ka pa. Mahina ka sa Division eh :-)

Ferdinand A.

Ponard said...

absent ako nung tinuro ang division eh, hehehe