Monday, July 15, 2013

Friday, May 11, 2012

Raymart / Claudine vs. Mon Tulfo

I was watching the Santiago - Tulfo debacle in the news the other day. eto lang napansin ko sa mga statements nila:


1. Mon Tulfo: "i noticed a lady screaming at the poor ground's crew. i didn't know it was Claudine"


- parang imposible naman na di sya namukhaan ni Mon Tulfo, alam nya na si Claudine yun, gusto lang nya ng meron isulat sa column nya eh "juicy" na story yun. Malamang blind item pa nga ang gawin nya dun eh. "isang network star na asawa ng isang action star nagmura sa airport ang initials nya ay C.B. as in Captain Barbell"


2. Claudine: "Nagagalit ako kasi nawala yung bag ng para sa anak ko andun yung medicines nila na kailangang ipainom na ng oras na yun"


- Wow! tama ba yun? kung importanteng medicine yun di dapat nilagay ni Claudine sa Check-in luggage dapat hand carry yun, ano ba klaseng gamit yun? respirator? at di kaya i hand carry? yun, ano bah! common sense, nag alibi pa sala naman. sana sinabi na lang niya, "syempre magagalit ako bag ko yun eh, andun laptop ko baka may mag open at makita scandal ko".


3. Raymart: "tinanong ko lang, sir ano yung ginagawa mo? tapos  sinuntok na ko"
     Claudine: "tinanong ko lang bakit mo sinaktan asawa ko?, tapos tinulak at sinipa na ko"


- Totoo kaya yun? tinanong lang nanuntok at sipa na. pucha pag ganun nakakatakot pala mag tanong kay Mon Tulfo.
Sir ano oras na po? *suntok*
Sir san po ang CR? *tadyak*
Sir kayo po ba si Mon Tulfo? *roundhouse kick*


All in all pinasaya naman tayo ng 3 na to, pero in the end isa lang naman ang may kasalanan dito eh ang CEBU PACIFIC dahil sa incompetence nila. yun lang

Monday, December 19, 2011

Tablet + Android

Ang tawag ba sa Tablet na Android "TABLOID"?

Tuesday, May 17, 2011

Sulit.com Raffle giveaway

Sulit.com.ph Buy and Sell Philippines
Sulit.com.ph Buy and Sell
Join the 1M Raffle Giveaway




Read more: http://www.sulit.com.ph/index.php/view+topic/id/80647/Sulit+1M+Members+Raffle+Giveaway%3A+Join+and+Get+a+Chance+to+Win+iPad+2+and+Other+Prizes%21

Wednesday, February 09, 2011

Online Contest Cycle

Share ko lang ang pakiramdam ko pag sumasali ako sa mga online contests. Just read the comic below (click to enlarge)


Paulit-ulit lang yan, parang cycle. lam ko others feel the same way, hehehe.

Tuesday, February 08, 2011

My First Drive Thru

Isa sa reason kaya gusto ko matutong mag drive noon is para makapag drive thru sa fastfood (seryoso) . Kaya nung natuto na ako yun ang isa sa mga una kong ginawa. Syempre excited ako nung first time ko. ako lang mag isa nun, natatandaan ko pa. Sa Jolibee yun pag pasok ko ng kotse sa drive thru may poster (tarp) pa ni Jolibee na nasa loob siya ng sasakyan tas may nakasulat na "drive thru" (hmmm. naisip ko pa nun pano kaya nagkasya si Jolibee dun sa SUV?). Tas eto na order na ko sa window "miss, isa nga regular yum with cheese, large coke, large fries". "Ok sir" sagot nung crew. Tas tinanong ako ng crew "Sir dine-in po or take out?" ako naman si engot sumagot "ha? ah eh. take out." Tas nagbayad na ako tas napagisip ako (hey! weytaminit) kaso too late na nakuha ko na order ko. That was my first time sa drive thru.

Tuesday, February 23, 2010

Buhay may asawa

Marami nagtatanong sa akin kung masarap ba ang buhay may asawa. Sabi ko masarap at mahirap. Masarap kasi alam mo na may nag ca-care sayo. Mahirap kasi kailangan mong magsumikap para sa family mo. Actually, maswerte ako sa napangasawa ko, kasi masipag siya, at isa pa pareho kami nagta-trabaho. Kahit papaano di kami hikahos kagaya ng iba. Maganda din kasi ang setup namin magasawa. Dahil nga pareho kami ng work kanya kanya din kami ng hatian sa gastos. Sa kanya ng bayad sa kuryente, tubig, cable, yaya, tsaka food pang araw-araw. Tapos ako naman ang tagabili ng dyaryo atsaka battery ng remote pag lowbat na. Sa pag-alaga ng baby hati din kami, siya yung nag-papaligo, nag titimpla ng gatas, nagpapatulog, ako naman ang nakikipaglaro. Kaya nagpapasalamat ako at napakaswerte ko sa asawa ko. kaya sa love ko "Happy Anniversary". I love you!