Tuesday, February 23, 2010

Buhay may asawa

Marami nagtatanong sa akin kung masarap ba ang buhay may asawa. Sabi ko masarap at mahirap. Masarap kasi alam mo na may nag ca-care sayo. Mahirap kasi kailangan mong magsumikap para sa family mo. Actually, maswerte ako sa napangasawa ko, kasi masipag siya, at isa pa pareho kami nagta-trabaho. Kahit papaano di kami hikahos kagaya ng iba. Maganda din kasi ang setup namin magasawa. Dahil nga pareho kami ng work kanya kanya din kami ng hatian sa gastos. Sa kanya ng bayad sa kuryente, tubig, cable, yaya, tsaka food pang araw-araw. Tapos ako naman ang tagabili ng dyaryo atsaka battery ng remote pag lowbat na. Sa pag-alaga ng baby hati din kami, siya yung nag-papaligo, nag titimpla ng gatas, nagpapatulog, ako naman ang nakikipaglaro. Kaya nagpapasalamat ako at napakaswerte ko sa asawa ko. kaya sa love ko "Happy Anniversary". I love you!

Saturday, February 20, 2010

Failures

mga nakuha ko sa net.

1. Kayo na mag sabi kung ano ang iniisip ng referee.


2. Malupit na customer service.



3. Tatang konting discreet naman. masyado kang obvious!




Friday, February 05, 2010

Airplane mode

one time, during one of my flights to Bacolod i overheard 1 couple arguing. Sabi nung girl sa boy

girl: nakakainis ka naman di mo naman sinabi dun airline staff na wag tayo sa row na to. puro pakpak lang ng eroplano nakikita ko. kakainis ka talaga.

syempre pande-explain yung boy na di nya alam na masakto sila dun sa row na yun. medyo matagal din sila nagaaway. Mali kasi yung boy, kung ako yun sasabihin ko sa girl "buti nga may nakikita ka, matakot ka pag wala ka nakita pakpak dito sa pwesto natin".